I am Nobody.
Home    Info    Ask    Submit
About: 
Photobucket

Diane ang pangalan ko. Isang pinoy sa puso't diwa. Walang talentong gaya ng iyo. Hindi ako kasing talino mo. At lalong hindi ako kasing galing mo. At higit sa lahat walang akong ibang maipagmamalaki kundi ang pagiging ako.


And yes, I am Perfect.
 Zombies on my Lawn
Time Machine, Kamon! Lez Hangout! :)

Sa totoo lang bawat sulok ng kabataan ko gusto kong balikan. Bawat parte, bawat tagpo at eksena kahit yung mismong senaryo kung saan umiiyak ako dahil naagawaan ako ng laruan. Pero kung talagang pagbibigayin mo ko ng “pinaka” malamang pipiliin kong balikan yung parteng, sa simpleng pagbibilad sa araw e lumulundag na ang buong pagkatao ko sa tuwa. Yung tipong darang na darang na ang balat ko sa mga galamay ng haring araw ngunit heto ako’t nagsisisigaw ng “taympers! Taya! Andaya mo! etc”. 

Nang mga panahong yon kasi, sigurado akong bilang isang musmos na batang larong kalye ang kaligayahan, sa simpleng ice tubig masaya na ako. Sa piso, tatalon na ako sa saya. Sa isang lollipop, galak na galak na ako. Alam kong sa puntong iyon, bawat bagay payak. Bawat bagay hindi kasing kumplikado ng pagtakbo ng sitwasyon sa kasalukuyan. Bilang bata, ang bawat bagay sa paligid ko, magaan. Masarap gumising sa umaga na ang iniisip lang e kung sino ang magiging kakampi sa patintero sa bagong silang na araw na iyon. 

"Masarap bumalik sa punto ng kabataang, bukas bisig sa pagsalo sa yakap ng nagbabagang araw habang walang humpay ang pagsigaw ng taympers!"


"The Elephant In The Room" theme by Becca Rucker. Powered by Tumblr. Install theme.